2014-18: At the end of the day...
Biyaheng Montalban: The "Put your head on my shoulder challenge."
Di ko inabot sa litex ung unang jeep trip sa kanto,
Paalis na ito nung mag arrive ako,
Kaya ung next trip na lang ang inabangan ko,
Upang makauwi ang pagod na empleyado.
Sa front, tabi ng driver ako pumuwesto,
Suddenly may babaeng umupo sa tabi ko,
Sumiksik siya, so nahagip ng tuhod ko ang kambiyo,
Buti na lang di pa kami tumatakbo.
I make sulyap sa babae, siya'y ngumiti sabay kamot sa ulo.
"Sori", sabi niya, "nagmamadali kasi ako."
Di ko siya ma eye to eye, baka sabihin ako'y presko,
Di naman ako makayuko, baka isipin ako'y nambubuso.
Medyo na trapik kami somewhere sa Violago,
Ang antok na babae, sumandal na sa shoulder ko,
Napasulyap ako sa driver, ngiting aso ang gago,
Habang ang babae dumadausdos na sa aking braso.
Mahirap naman na mula sa braso sa laptop ko pa siya dumiretso,
Ask ko ang driver "Saan kaya bababa ang babaeng ito?"
Sabi ng Driver "'yaan nyo Sir, gigisingin ko."
"Baka diyan lang siya bumaba sa sunod na kanto."
Nagising nga ang babae sa sunod na kanto,
Mapungay pa ang mata, sabi sakin "sori, nakatulog ako",
Inilabas ang pitaka niya at dumukot ng sampung piso,
Inabot sa driver, sabay sabing, "isang senior citizen, hijo!"
Mga kapwa pasahero,
Yan ang "Put your head on my shoulder challenge."
Kaya nyo ba ang challenge na to?
No comments:
Post a Comment
Comments can build up or tear down reputations. They also reveal who you are and what you stand for, so take care and be gracious. Make sure that your comment will add value to this blog, to others and to your own person - Catwizkers