Sunday, November 22, 2015

"Sining ng Kalayaan" [My Facebook Posts, the Secretary's Letter and My Response]

On September 19, 2015, I had this in my Facebook Account: 
2015-045: Lexpress - You Have My Face, You Have My Book
"Mga Maharang na Rapas kan Marabas na Sambalas!"
Ako si Lex Armeña, Uragon na Pilipino...
HINAHAMON ko si MAR ROXAS na:
PATUNAYAN na siya ay TUNAY na PILIPINO,
Na hindi siya KOPYA lang o TAU-TAUHAN ni AQUINO,
Na ITUTULOY, PALALAWAKIN at IPAGLALABAN ang TOTOO,
Hindi lang ang DAANG MATUWID kundi ang TAMANG DAAN para sa mga PILIPINO!
HINAHAMON ko si GRACE POE na:
PATUNAYAN na siya ay TUNAY na PILIPINO,
Na siya'y TOTOO at hindi ALTERNATIBONG KANDIDATO,
Na MAGPAPATULOY lang ng DAANG MATUWID para kay AQUINO,
KUNG si MAR ROXAS ay hindi MANANALO!
HINAHAMON ko si JOJO BINAY na:
PATUNAYAN na siya ay TUNAY na PILIPINO,
SAGUTIN ang mga PARATANG at ISKANDALO,
Huwag SABIHING POLITIKA lang ang lahat ng ITO,
Dahil hindi BASTA-BASTA MANINIWALA ang mga PILIPINO!
HINAHAMON ko ang lahat ng PILIPINO na:
IBOTO ang TUNAY na PILIPINO,
Ang PINUNO na sa TAMANG DAAN PATUNGO,
Ang PINUNO na sa ISIP, sa SALITA at sa GAWA ay TOTOO,
Ang PINUNO na gagawin "Ang MAMATAY ng DAHIL SA 'YO!"

On September 21, 2015, I posted this in my Facebook Account and on October 17, 2015, I reloaded it with the comment: "Ni reload ko ang makahulugang Piyesang Ito; Upang muling ipaalala sa mga kapwa ko nasa serbisyo; Ang pagmamalabis ng mga kandidato; Gamit ang mga opisyal, kawani, pera, at oras ng gobyerno. Marami ng isinasagawang programa ang mga departamento; Mga programang tungkol sa serbisyo kuno; Pero ang mga bisita ay mga nagkakampayang kandidato; Sa Maka-Tuwid, walang pagbabago ang mga gawaing trapo!" 


2015-046: Lexpress - You Have My Face, You Have My Book
"Mga Maharang na Rapas kan Marabas na Sambalas!"
Ako si Lex Armeña, URAGON na PILIPINO…
HINAHAMON ko ang mga PILIPINO na:
HUWAG PALOLOKO sa HUWAD na POLITIKO,
HUWAG MATAKOT kahit sila’y mag ASAL DEMONYO,
HUWAG HAYAANG yurakan ang inyong PAGKATAO,
HUWAG IPAGBILI ang sagradong BOTO!
Para kay SECRETARY DINKY at sa mga OPISYAL at KAWANI ng DSWD:
HINAHAMON ko ang mga OPISYAL at KAWANI ng DEPARTAMENTO,
HUWAG MAGPAGAMIT sa mga OPORTUNISTANG POLITIKO
Kay JOJO BINAY, kay MAR ROXAS, maging kay GRACE POE,
KAHIT na SABIHING UTOS ito ng kung sinong PONCIO PILATO!
SIGURADONG may mga POLITIKONG lalapit SAINYO,
MAGPAPATULONG at MANGANGAKO ng KUNG ANO-ANO,
DIYAN MASUSUBUKAN kung BUHAY ang inyong PRINSIPYO,
O, baka ALIPIN kayo ng PAGNANASANG UMANGAT din sa PUWESTO!
HUWAG ng mag imbita ng mga POLITIKO,
HUWAG ring pupunta sa PAGTITIPON ng mga KANDIDATO,
HUWAG ng IDAHILAN na iyan ay PARTE ng TRABAHO,
HUWAG nang MAGPALUSOT, MABUBUKO lang KAYO!
HUWAG IPAGAMIT ang SERBISYO’T PERA ng GOBYERNO,
HUWAG IPAHIRAM ang mga PASILIDAD sa POLITIKO,
HUWAG WALDASIN ang PERA at ORAS ng TAO,
HUWAG MANGAMPANYA para sa sinumang KANDIDATO!
HUWAG MAGPA-BULLY sa mga KANDIDATO,
HUWAG PABAYAANG ma BULLY ang mga EMPLEYADO,
HUWAG TANGGALIN ang sinumang KAWANI ng GOBYERNO,
DAHIL AYAW sa KANILA ng ABUSADONG POLITIKO!
BANTAYAN natin ang mga KASAMA sa KAGAWARAN,
KABISADO naman natin ang TANYAG na KASABIHAN,
Kung AYAW, NAGIIMBENTO ng KUNG ANO-ANONG DAHILAN,
Kung GUSTO, GUMAGAWA ng IBA’T-IBANG PARAAN!


On October 23, 2015, the Information Management Bureau [IMB] where I belong, received this letter addressed to me from the Honorable Secretary Corazon Juliano-Soliman. I got this letter only on October 26, 2015. I am publishing it here in full.

23 Oktubre 2015

MR. LEX ARMENA
DSWD Central Office
Batasan Complex, Quezon City

Pagbati, Lex.

Nakarating sa aking kabatiran ang iyong sanaysay sa Facebook na, ayon sa iyong pagkakalahad, ay panawagan sa akin at sa iba pang mga opisyal ng ating Kagawaran.
Una, kinikilala ko ang karapatan mobilang mamamayan na ihayag ang iyong mga saloobin sa iyong personal account sa social media. Gusto kong isipin na bilang isang lingkod-bayan, lalo pa't isang lingkod-bayang nasa DSWD, mayroon kang bukal na pagmamalasakit at paggalang sa iyong kapwa. Gusto ko ring isipin na ito ang pinanggagalingan ng iyong mga ipinahayag.
Ngunit mas ninais ko sanang kung mayroon kang mahalagang saloobin 0 puna na nais mong ipabatid sa akin 0 kanino man sa ating Kagawaran, ginawa mo sana ito sa angkop na lugar at paraan. Sana ay naupo tayo at mahinahong nag-usap bago ka gumawa ng anumang anunsiyo na tila imbes maging mensahe para sa akin ay mas naging parinig sa publiko.
Malaki ang inasahan ko sa 'yo bilang bagong pinuno ng SWEAP at kinatawan ng ating mga kasama sa ahensiya. Umasa akong ang pagturing mo sa akin at sa iba pang nasa pamunuan ay magiging katulad ng kung paano kami binigyang-galang ng mga naunang pinuno sa 'yo. Labis kong ikinalulungkot na imbes na makipag-usap sa amin, na malayang nagagawa ng sinumang empleyado, ay mas pinili mong magsalita sa social media.
Kung bukal ang iyong intensyon sa lahat ng 'yong sinabi, pinili mo sanang paraan ay 'yung maaari tayong magtalakayan. Sa aking pakikipagtrabaho sa SWEAP, lagi nilang pinipiling pagusapan muna namin ang mga mahahalagang isyung kailangan tugunan --hindi sila nagpaparinig, ngunit nakikipagtalakayan.

CORAZON JULIANO-SOLIMAN

cc: Asec. Camilo G. Gudmalin
     All SWEAP Officials

On November 1, 2015, in response, I sent this letter to the Honorable Secretary to clarify my post and to tell her about my "Sining ng Kalayaan." 


Ika-1 ng Nobyembre 2015

HON. CORAZON JULIANO – SOLIMAN
Secretary
Department of Social Welfare and Development
IBP Road, Batasan Complex, Constitution Hills, Quezon City

MAHAL na KALIHIM DINKY,

Sabay ko pong natanggap ang dalawa niyong sulat na may petsang 10 Oktubre 2015 at 23 Oktubre 2015, noong umaga ng Lunes, ika-26 ng Oktubre 2015.

Mahigit 30ng taon ko na pong ginagawa ang MALAYANG PAGPAPAHAYAG ng aking SALOOBIN at NARARAMDAMAN sa pamamagitan ng mga KUWENTO, OBSERBASYON, OPINYON, at KOMENTO sa mga NANGYAYARI sa ating BAYAN at sa ating KAPALIGIRAN, mula pa noong pumasok ako sa larangan ng medya hanggang sa ako’y mag desisyon na maging bahagi ng Kagawaran. Ang TAWAG ng MALAYANG PAMAMAHAYAG ay BUHAY sa aking ISIP at PUSO dahil alam ko ang aking KARAPATAN at RESPONSIBILIDAD sa ating ORGANISASYON, sa KAPWA ko KAWANI at sa BAYAN. Ito po ang aking SINING ng KALAYAAN. 

IPAGPAUMANHIN niyo po kung kayo ay NASAKTAN sa aking SINING ng KALAYAAN at kung hindi ko pinili na MAKIPAGTALAKAYAN. Ito po ay dahil sa ang aking HAMON, BABALA at PAALALA ay para sa ATING LAHAT. Hindi po ito PAGPAPARINIG bagkos ito ay PAYAK na PAGPAPAHAYAG ng matinong HAMON, BABALA at PAALALA sa iyo at sa ating mga kasamahan sa ahensiya dahil tayong lahat ay responsable sa bawat isa. Madalas, sa loob ng isang organisasyon ay hindi nagkakaroon ng KATUPARAN ang mga ganitong PAGPAPAHAYAG dahil may NATATAKOT, NAG-IINGAT o UMIIWAS na MASAKTAN ang SINOMAN. Subalit sa ating organisasyon, sa panahong ito at sa pamamagitan ng social media, mas kailangan ang HAYAGANG PAGPAPAHAYAG ng mga HAMON, BABALA at PAALALA sa mga KASAMA upang lubos na MAIPAKITA ang TAPAT na INTENSIYON at TUNAY na PAGPAPAHALAGA sa BAWAT ISA.

WALA pong KINALAMAN ang SOCIAL WELFARE EMPLOYEES ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES [SWEAP], INC., sa mga pina-paskil ko sa aking FACEBOOK PAGE. Hindi ito SAKOP, SINASAKOP o PINAKIKIALAMAN ng Asosasyon. Hindi rin ako kailangan MAGPAALAM sa Asosayon upang ISAKATUPARAN ang aking SINING at ang MATINO at MALAYANG PAGPAPAHAYAG ng aking SALOOBIN. Hindi rin po ito ang OPISYAL na PANINDIGAN ng Asosasyon dahil ito ay PERSONAL kong KRUSADA na matagal ko nang ginagawa.  Hindi ko rin po ginagamit ang SWEAP sa pansarili kong interes. Buo po ang RESPETO ko sa inyo, sa KAGAWARAN at sa Asosasyon. Ang RESPETO pong ito ay TUNAY at TOTOO at HINDI MASUSUKAT sa pakikipag talakayan lamang.

Bilang kawani, ISINASABUHAY ko po ang mga salitang MATAPAT, MAHUSAY at MAGILIW sa tunay nitong KAHULUGAN at sa MATINONG paraan na aking naiiintindihan at nararamdaman. MATAPAT na PAGPAPAHAYAG ng SALOOBIN at mga DAPAT SABIHIN, sa MAHUSAY na paraan. Maaaring hindi ito masyadong MAGILIW sa ilan na may naiibang mundong ginagalawan, pero garantisadong MATINO, dahil may DAHILAN, may MENSAHE, may SAPAT na LALIM, may PINANGGALINGAN at may PATUTUNGUHAN.

Handa ko pong PANAGUTAN ang aking SINING ng KALAYAAN. Alam ko po na kahit TAPAT, MAHUSAY at MATINO ang aking sining, kung GUGUSTUHIN ng SINOMAN, maaari akong PABANTAYAN, PAGSALITAAN, IREKLAMO, KASUHAN, PARUSAHAN o GAWAN ng ANUMANG AKSYON sa ibat-ibang paraan. Subalit alam ko rin po na ang TUNAY na KATAPATAN at KAHUSAYAN ay HINDI kailanman MAWAWALA sa KATINUAN.  Ang BAWAT ISA sa atin ay may KALAYAAN at KARAPATAN.

Ang aking SINING ng KALAYAAN ay para sa ating lahat, para sa KAGAWARAN, para sa KAPWA ko KAWANI at para sa BAYAN.

LUBOS na GUMAGALANG at NAGPAPASALAMAT!

LEX ARMEÑA

cc: Asec. Camilo G. Gudmalin
      All SWEAP Officials 

By the way, on October 24, 2015, two [2] days before I received the letter of the Honorable Secretary, I also had this post in my Facebook account:

2015-047: Lexpress - You have my Face, You have my Book!
"Mga Maharang na Rapas kan Marabas na Sambalas!"
URAGON na PILIPINO…
Ang TAMA at TOTOO LABAN sa GUSTO at "NAIS KO!"
KAYA MO ba ang PAGBABAGO?
Ang mga TANGO lang ng TANGO ay SADYANG MABIGAT ang ULO,
HINDI MAKA-SALUNGAT at ‘DI MASABI ang TAMA at TOTOO,
MARAMING OPISYAL ng GOBYERNO ang GANITO,
ISIP at PUSO ay HINDI NAGAGAMIT ng BUO at HUSTO!
Sa mga NAGSASALITA at PUMUPUNA ay HUWAG kang MANGAMBA,
Sila’y MATINO, MATAPAT, MAHUSAY, LANTAD at iyong KILALA,
Sa “MAGILIW,” HINDI NAGSASALITA o PUMUPUNA, ikaw ay MAGDUDA,
DAHIL LIKOD MO ang TINATADTAD nila ng PANGUNGUTYA!
Sa HARAP ng KALIHIM laging SANG AYON sa anumang IPINAPAGAWA,
Pa TANGO-TANGO, NAKANGITI, PUMAPALAKPAK at PARANG MASAYA,
PERO PABULONG-BULONG, NAGHIHIMAGSIK, KAGAT ang DILA pati NGALA-NGALA,
NAPIPILITAN, WALANG MAPAG-PILIAN, TAMEME, AYAW KUMONTRA!
Sa mga KAWANI NAPAKAGALING ng mga ITINUTURO at PINAPAGAWA,
PERO sa AKTUWAL na SITWASYON ang mga SINABI ay HINDI niya MAIPAKITA,
KAPAG may KALABANG DUMATING na mas MALAKI pa sa KANYA,
BAHAG BUNTOT, IWAS, TAKAS, ang TAHANAN ay ‘DI MAI-DEPENSA!
KAYA MO ba ang PAGBABAGO?
Ang HINDI NALALAMAN, ay HINDI NABABAGO!
Ang HINDI IPINAPAALAM, ay AYAW IPABAGO!
Ang HINDI NAGPAPAALAM, ay HINDI NAGBABAGO!
Ang AYAW MAKIALAM, ay AYAW ng PAGBABAGO!
ALAMIN, IPAALAM, MAGPAALAM at MAKIALAM!
Kung GINAGAWA AT NAGAGAWA mo ITO,
KAYA MO ANG PAGBABAGO!
Kung HINDI mo GINAGAWA o NAGAGAWA ITO,
KAILANGAN MONG MAGBAGO!
Ang KARAPATAN ay KALAYAAN!
Ang MATINONG PAGPAPAHAYAG ng TAMA’T TOTOO ay KARAPATAN!
Ang MATAPAT na PAGPAPAHAYAG ng KATOTOHANAN ay KALAYAAN!
Ang MAHUSAY na PAGPUNA ay MALASAKIT sa KASAMAHAN,
Ang MAGILIW na PAGTANGGAP ng PAGKAKAMALI ay KATAPANGAN!
HINDI NYO NA AKO KAILANGAN SUNDAN O TIKTIKAN,
Dahil AKO’Y nasa SILANGAN, TIMOG, HILAGA at KANLURAN,
KAYO ang PATULOY kong MAMANMANAN at BABANTAYAN,
PAAALALAHANAN kung LIMOT at TUTULUNGAN kung KAILANGAN!
ANG KALIHIM ay dapat mas HANDA sa MALIHIM!